Sunday, August 28, 2011

Monster Hunter ay nakakatakot, Mga kadahilanan kung bakit ito nakakaadik

Nakakatakot ang Monster Hunter.

"Rawr" bungad ni Tiggy.
Nagsimula ako maglaro ng larong ito para sa PSP nito lamang Hunyo ng taon at nakakatakot na ang epekto na dulot nito sa aking pangaraw-araw na pamumuhay.


Ang larong ito ay inintroduce sa akin ng isang kaibigan na naging biktima  rin nito. Ang aking unang impresyon habang nilalaro ito ay hindi ako masyadong napabilib. Ito ay laro para sa mga taong hindi na nais na masyadong mapaisip sa nilalaro nila. Walang syang masasabing kwento, at para sa akin na lumaki sa paglalaro ng rpg games mula noong lumabas ang Playstation ay medyo di ako naging kumbinsido sa larong ito. 

Ang tuntunin ng laro nito ay ang kalabanin  at hulihin ang mga halimaw (hence, the name). Habang iyong natatalo ang mga halimaw, tumataas ang rango, at lumalakas ang mga halimaw na pwedeng kalabanin.

Napakasimple.

Ngunit bakit ako ngayon ay nahuhumaling sa larong ito...ito ang mga kadahilanang naiisip ko kung bakit napakadali kong maadik sa masasabi kong isa sa pinakamalaking franchise sa mundo ng gaming...

3. Masayang gumawa ng armas na panlaban sa halimaw gamit ang sariling pinaghirapan. 
Hiyaaa!

hindi katulad ng ibang laro na pipili ka ng armas mula sa listahan ng pre-made armors and weapons na mabibili sa iyong pinakamalapit na item shop, sa Monster Hunter, literal na kailangan mong paghirapan ang mga armas na gusto mong bilhin. Kailangang tumalo ng mga halimaw para makakuha ng mga items na kinakailangan upang mabuo ang kursunadang espada. Dugo't pawis ang puhunan upang ikaw ay lumakas.


2. Akala nyo madali lang kalabanin ang mga halimaw? pero hinde, hinde...

Partey Partey

Taliwas sa ibang laro, ang mga halimaw dito sa Monster Hunter ay parang may sariling utak, may mga damoves sila na dapat pag-aralan kung gustong matalo ang nasabing halimaw, kumakain pag nagugutom, natutulog pag pagod. Isa pang challenge ng larong ito ay hindi mo maaaring makita ang natitirang buhay sa halimaw na kinakalaban mo. Upang masiguro ang iyong pagkapanalo, kailangang obserbahan kung ang halimaw ba ay mukhang napapagod na. Mahirap, ngunit dito mo masusukat ang kakayahan mo. Ika nga ay nakakapagdagdag ng "Thrill Factor".


1. Nabubuhay ang kumpetisyon at pagkakaibigan...naks...
"Ihanda na ang Shock Trap"

Kung ikaw ay may kasama o kaibigan na naglalaro rin ng parehong laro na pinagkakaabalahan mo ay mabubuhay sa puso mo ang salitang "kumpetisyon". Kung mas malakas ang kaibigan mo, gugustuhin mong maabot sila o di kaya ay malagpasan. Kaya ang nangyayari, habang hindi pa kayo naghaharap ng kaibigan mo ay sisikapin mong maabutan sya, at dahil doon ay mas mapapahaba ang oras ng iyong paglalaro upang mapunan ang kakulangan. 

Nabubuhay din ang pagtutulungan sa larong ito. May mga pagkakataon na kailangang humingi ng tulong sa kaibigan sa pagtalo sa isang napakahirap na halimaw at vice-versa. Naprapraktis ang teamwork nyong magkakaibigan, napapalawak ang tiwala sa isa't isa. At dahil dito, mas lalong napapalawig ang inyong pagkakaibigan.





Masasabi kong ang larong ito ay hindi nababagay sa mga taong busy, walang oras, at ayaw sa mahihirap na laro. Masyado itong nakakaubos ng oras. Pero kung ikaw ay isang hardcore gamer ay marapat lamang na subukan ito.  O kung ikaw ay isang hardcore gamer ay malamang nasubukan mo na ito. Ingat lang, dahil sa ito'y nakakaadik, ito'y nakakatakot na.


0 comments:

Post a Comment