Once this happens, YOU CAN NEVER GO BACK... |
Sadyang kay labo na ng aking mga mata. Alam kong marami ang sasang-ayon na mahirap talaga ang may ganitong sitwasyon, kinakailangan pang magsuot ng salamin o ng contact lens para lamang maaninag ang pelikulang kay tagal inabangan sa sinehan. Ika nga nila, Nasa huli ang pagsisisi...
Sa muling pagtaas ng grado ng aking mga mata, isang katanungan ang sumulpot sa aking isipan, isang katanungan na dapat ay matagal ko nang naisip ngunit ni hindi man lang sumagi sa isip ko...until now. At saan pa ba dapat hanapin ang kasagutan sa mga pinaka-komplikadong mga tanong kundi sa pinaka-pinagkakatiwalaang imbakan ng impormasyon.
Paano ang buhay kung walang Google? |
Habang hinahalukay ang gubat ng impormasyon na nasagap ay may isang paraan ng pagpapalinaw ng mata na tinatawag na Lasik. Ang Lasik ay ang pagamit ng laser sa apektadong mata. Ngunit, mukhang bibihira ang nagpapa-lasik dahil sa requirements na kinakailangan bago ka mapasailalim sa operation na ito:
- Kinakailangan na ang grado ng matang ipapa-Lasik ay nasa 450 pataas (ideal).
- Ideal din na ang edad ng magpapalasik ay nasa edad 20 anyos pataas.
- Kailangan mayaman ka.
Dahil sa mga nabanggit na requirements ay normal lamang na maghanap ako ng alternatibong paraan (umaasa) upang mabigyan linaw ang aking mata maliban sa pagsuot ng salamin. Maliban sa pagkain ng kalabasa at carrots, may nakita pa akong paraan na sa tingin ko ay mga taong matatatag ang loob ang makakagawa...
Kung ito man ay epektibo o hindi ay iiwan ko na lamang ito sa aking imahinasyon. Ang moral of the story? Pangalagaan natin ang ating mga mata.
meh... |
tama.
Nice post, things explained in details. Thank You.
ReplyDeletemay apparatus po na nakakalinaw ng mata. Please follow this link
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/lusungoptic...2137388144027/
Anu po yom
DeletePls send me details
ReplyDelete