Saturday, August 27, 2011

Willie Revillame mahirap nga bang maging kaibigan?

tampururot?
Isang haka-haka...

Mahirap nga bang maging kaibigan ang isang Willie Revillame?



Noong isang araw, inilabas ni Willie sa kanyang programa na Will Time Bigtime ang bago nyang novelty song na pinamagatang "Kendeng Kendeng". Nakapagtataka na ibang tao ang nag-compose ng kantang ito. Kadalasan kasi, ang lumilikha ng mga kantang novelty ni Willie ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Lito Camo.

Ngunit hindi nga ba't kamakailan lamang ay lumikha ng kanta si Lito Camo para sa pantanghaling programang Happy Yippee Yehey? Ang kantang "Nananana" na ngayon ay pinapa-uso ng programang kinabibilangan ng mga dating kaibigan ni Willie na sina John Estrada at Randy Santiago.

Matatandaan ding nagkaroon rin ng tampo si Willie kina Randy at John dahil sa pagtanggap nila sa pantanghaling programa na ito. Hindi nga ba't mapapaisip ka? Kung totoo ngang may tampo si Willie kay Lito dahil sa paggawa nito ng kanta para sa mga dating kaibigan, ang hirap naman pala ng sitwasyon ni Lito? Kung ang kapalit ng pagiging kaibigan ni Willie ay ang pagtanggi sa mga proyekto at trabaho para lamang i-please si Willie...

Anong say mo? Rico?

Haay Willie...

1 comment:

  1. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    ReplyDelete